![]() |
|||||||||||||||||||||
Profile
Age: 15 School: Manila Science High School Birthday: February 16, 1989 IV-Moseley III-BURBANK II-Pauling I-Armstrong Links Kuya Omar Gaile Vincent, my panda Ate M (Cleopatra..) Kuya Jamie Kuya Marius Jobel Ruthie Ahjh Anime Skies tatay Mark Lim Tagboard
Links ![]() iii-burbank, my family
fieldtrip... saia!!!
My panda and I.. :)
![]() Take the 100 Acre Personality Quiz! ![]() The Completely Pointless Personality Quiz
|
Wednesday, June 16, 2004 Noong isang araw ay nakasaksi ako ng isang karumal-dumal na krimen. Sa tingin nio ba ay dapat akong magsumbong sa pulis? Linggo ng tanghali noon at kasalukuyan kaming nagbibilyar ng aking mga kaibigan. Ang bilyaran ay nasa may silong ngisang tindahan. Habang ang dalawa kongkasama ay nagpapagalingan sa 15-ball game ay nakita kong may isang mamang dumating na nakasakay sa motorsiklo. Naka-puti siyang sando at maong na shorts. Nakasumbrero siyang puti at naka-tsinelas na itim. Sa tantiya ko ay may labingsiyam na taon pa lamang siya. Lumapit siya sa mga kabarkadang nag-iinuman sa harap ng tindahan. Nagsenyasan sila ng mga signal na hindi ko naman maintindihan. Maya-maya pa ay umalis ang lalaki, sakay rin ang motorsiklo, at humarurot sa direksyon ng hayskul na malapit sa kanto. Makalipas ang tatlumpung minuto ay nagbalik ang lalaking naka-sando. Laking gulat ko nang makitang traysikel na ang sakay niya at may sakay siya sa loob. Isang mataba at marungis na, sa tingin ko, ay lalaki. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman kung siya ba ay lalaki o babae dahil sa kahayupang ginawa sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano siya kinaladkad pababa ng lalaki papunta sa likuran ng silong. Dumaan ba sila sa harapan namin? Oo. Awang-awa ako. Ngunit wala akong magawa. Wala akong ginawa. Dumating na ang kinatatakutan ko. Isa sa mga umiinom ang pumasok sa tindahan at naglabas ng isang gulok (parang itak), at hinasa-hasa pa ito sa isang bato. Takut na takot ang biktima. Sinubukan nitong tumakas ngunit nahablot siya nung naka-sando. Dahan-dahang iniaangat nito ang kanyang ulo, at hindi nagtagal ay tumarak na ang tanim ng gulok sa marusing na leeg ng walang kalaban-laban na nilalang. Kitang-kita ko kung papaano pa nito ipinagpapumiglas ang walang ulong katawan, kung paano ito humandusay sa sahig at ipagpapadayak ang mga paa hanggang sa hugutin nito ang huli niyang hininga. Nagkalat ang dugo. Natalsikan rin ng dugo ang kaninang puting sando ng salarin. Halos masuka ako sa nakita, nakakakilabot talaga. Siguro, kung umaksyon ako kaagad nun, at hindi ako naduwag, ay buhay pa siya ngayon. Naisalba ko sana ang buhay niya. Ngunit wala akong nagawa. Wala akong ginawa. Kawawang bibi... Tuesday, June 08, 2004 Sinimulan nilang bagtasin ang mahaba-habang daan pabalik sa bahay nila Ike. Hinarana ng mahinang pagtawag ng mga palaka sa mga kakilala ang minsang pang nakabibinging katahimikang inihatid ng gabi. Kinapa ni Gil ang bulsa sa polo para sa kanyang lighter. Sa dinami-dami ng mga nagging lighter niya, ito na yata ang pinaka-inalagaan at tinago talaga niya. Kahit pa nga yung padalang lighter nung tita niya galling sa Canada e hindi nagtagal sa kanya ng ganun. Iyong bigay ni Mags ay stainless na may takip sa itaas upang itago ang maliit na butas na naglalabas ng munting apoy. Tuwing iaangat ang takip na ito upang sindihan ang lighter ay uniilaw ang katawang ng disenyong marijuana sa gitna. Ilaw na kulay asul. Ang paboritong kulay niya. Ang kay Mags ay berde. Parehong pareho ang lighter nila maliban lang sa kulay ng ilaw. Nang mahawakan ang lighter ay dumukot siyang isang stick mula sa pack ng sigarilyo. Sinindihan niya ito at inabot kay Mags na kasabay na niyang naglalakad. Dumukot uli si Gilng nang isa pang stick para sa sarili at sabay nilang hinithit-lunok-buga ang mga usok na nanggagaling sa yosing binili nila bago pumunta kanina sa fiesta. Nang maubos ang stick ay kinuha ni Mags mula sa kamay ni Gil ang pack ng yosi at kumuha ng isa pa. Sindihan niya ito at sibimulang bumugang muli ng usok. Gayun din ang ginawa ni Gil. Panandalian nilang pinagsaluhan ang gabing nabalutan ng usok, babahagyang ilaw, lamig, at minsan pa – katahimikan. Halos sabay nilang hinagis sa bukiran sa gilid ang mga filter at nagpatuloy sa paglakad. Ipinamulsa na ni Gil ang lighter at yosi. Patuloy nilang nilakad ang haba ng daan patungo sa bahay ng pinsan. Nang may halos 100 metro na lang ang kailangan nialng lakarin ng may mga aso na pag-aari ng mag-anak na nakatira sa isang maliit na kubo sa gitna ng taniman ng talong at kung anu-ano pang mga gulay ang nagtatahol at nagtangkang lumapit. Agad na hinablot ni Gil ang braso ni Mags at itinulak ito papunta sa kabilang bahagi ng kalsada, palayo sa direksyon ng mga tahol at mga tila nanlilisik na mata ng mga hayop. Tila handang sumalakay ang mga ito, kaya’t pinaglakad na niya si Mags palayo. ”Dire-diretso lang, wag kang lilingon. Ako na bahala,” ang parang teacher na utos niya kay Mags. Dali-dali siyang namili ng anim na malalaking bato at dala-dalawang inihagis ng ubod-lakas sa mga itim na aninong kumakahol at nangingislap ang mga gutom na mata. Halos hindi natinag ang mga ito, at sasalakay pa rin sana, ngunit inambaan na naman sila ng ating bidang matapang. Nang sa tingin niya ay wala nang aberya sa mga aso ay dali-dali siyang naglakad upang abutan si Mags, na sa sobrang takot ay tila kakayaning talunin ang record ni Forest Gump sa pagtakbo ng milya-milyang haba ng daan. Dire-diretso lang sila hanggang sa marating na ang katam-tamang bahay ng pinsan ni Marge. Imbes na pumasok sa loob, kung saan may ilang pang mga bisita na kumakain, ay naupo muna sila sa papag na nasa ilalim ng puno ng mangga. Pareho silang pagod at humihingal. Nahiga si Gil, at ipinatong ang batok sa kanang braso habang patuloy sa paghingal. Si Mags naman ay huniga rin sa tabi ng kababata at tumawa ng malakas. “O ano’ng nakakatawa?” ang iritang tanong ni Gil. “Wala lang. Hehehe. Biro mo, pinasuot mo na nga sakin itong sandals mo, tapos nagpakabayani ka pa dun sa mga aso. Bsta nakakatatawa lang,” ang humahagikgik pa ring sabi ng dalagang natural na palatawa at masiyahin. “Loko. Kunwari ka pa e iiyak ka rin naman kung nilapa ako nung mga asong yun. Tska hoy, masakit sa paa yung mga bato ha,” ang winika ni Gil sa tonong pilit pinagmumukhang nanunumbat. Pero kilala siya ni Mags. Nakita ang tunay na mensahe sa sinabing iyon ng kaibigan – naglalambing si Gil, and at the same time, ay proud sa ginawang kabayanihan. Lalo lang napatawa si Mags, at nagwika pang “Pero pano nga kaya noh? Diba madalas mo sabihin na masarap na pulutan ang aso? E pano kung ikaw pa ung ginawang pulutan ng mga aso?” Napatawa na rin si Gil ditto at tumayo na. Iniabot ang kamay kay Mags at itinayo na rin ang dalagang tawa pa rin ng tawa. “Na macho-han siguro sayo ung dalwang aso dun.. Macho.. Machochulis ang buto!” sabay tumakbo palayo. “Ah ganun ha! Lagot ka sakin!” ang tumatawa ring sagot ni Gil na hinabol ang dalaga, ngunit tumigil rin matapos ang ilang hakbang dahil nasaktang muli ang mga talampakan. Napatigil na rin si Mags, at maya-maya ay pumasok sa bahay ng pinsan. Paglabas niya ay suot na ang isa sa mga tsinelas ng pinsan, at iniabot ang sandals sa tunay na may-ari. “Hay sa wakas!” ang nakngiting sambit ni Gil. Minsan, katulad ngayon, ay hindi niya mapigil ang hindi sinasagyang pagpapahiwatig ng sakit. Aba siyempre naman, tao lang rin siya. Nasasaktan. Lumuluha. Tumatawa. Nagmamahal. Pagkatapos makapanghingi ng gas ay hiniram ni Gil ang motorbike ni Ike. Si Ike na rin ang nagmneho ng bike habang nakaangkas si Gil at ang gallon ng gas sa likod. Binagtas nila ang madilim na daan na ngayon ay naiilawan na ng liwanag na nanggagaling sa headlight ng Suzukie X4. Hindi nagtagal ay sinapit na nila ang mismong pinag-iwanan ng Honda Civic, at dali-daling nilagyan ng gas ang tangke. Binuhay ni Gil ang makina ng kotse, minaniobra sa isang malapad-lapad na bahagi ng daanan, at maya-maya pa ay kasunod na siya ni Ike na bumalik sa bahay. Pinatay niya ang makina ng sasakyan pagsapit sa tapat ng papag na hinigaan nila ni Mags kanina. Nandoon si Mags, nakaupo at naghihintay. “Tara muna dun sa bahay kubo sa likod,” ang paanyaya ni Ike habang ipinaparada ang motorbike sa tapat ng isang bintana ng bahay. Nagkatinginan sina Mags at Gil. Alam na nila ang ibig sabihin nun. Niyayaya silang uminom ng asawa ng pinsan ni Mags. Nagkibit-balikat si Mags sabay sabing, “sure. Tara Gil,” sabay lakad na papunta sa likod-bahay. Napapailing na lamang si Gil habang sinusundan ang kaisa-isang babaeng kabarkada. Ito pa kasi ang isa pa niyang kinamamanghaan sa babaeng ito. Hindi naman lasinggera, pero umiinom, basta’t kailangan. Pagsapit sa munting kubo na may lamesa sa gitna,na ngayon ay natatabunan ng mga bote ng beer, ay naupo siya sa tabi ni Mags na kasalukuyan nang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ni Ike. Mga kakilala rin kasi ni Mags ang mga iyon. Ang isa pa nga sa kanila, si RJ, ay minsang nanligaw kay Mags. Anim silang nasa kubo. Si Ike, si JR, si Anne, si Gerard, si Mags, at siya. Mukha ngang may tama na si JR dahil lumalakas na naman ang hangin. Si Ike, na beterano na sa inuman, at sigurado siyang pinakamarami nang uminom, ay hindi pa rin tinatamaan. Matinong-matino pa. Si Gerard, na siyang pinsan rin ni Mags, ang tanggero. Katabi ni Gerard ang girlfriend na si Anne. Girlfriend no. 4 yata, kung tama ang pagkaka-alala ni Gil sa listahan ng mga babae ni Gerard. Babaero kasi itong mokong, palibhasa may hitsura. Kabarkada rin nila nina Mags si Gerard, ngunit ngayong gabi ay hindi muna nila pakikialaman ito dahil kasalukuyan pang ini-enjoy ang alak. Sa Maynila kasi, kung saan nag-aaral si Gerard sa AMA, ay limitado lang ang pag-inom nito. Hinayaan na lang nilang magpakalsaing ito ngayong gabi. Si Mags naman ay iniinom na ang unang baso niya sa tagayan. Ilang lagok lang ay ubos ng dalaga ang laman ng baso. Nagulat si Gil rito. Hindi naman malakas uminom ang kaibigan, at lalong hindi ito sanay maglasing. Pero bakit? Pagsundo pa lamang niya kanina kay Mags ay napansin na niyang kakaiba ang kilos nito. Tila sumobra ito sa pagkasaya nang Makita siya, tila sumobra sa pagtawasa mga biro niya, tila sumobra sa pagtatampo nang tuksuhin niya, lahat ay sumobra. Bumalik lamang ang lahat sa normal nang una nilang sapitin ang bahay ng pinsan, ngunit ngayon ay nagsisimula na naman ang kasobrahan. Maski siya, si Gilberto Santiago, na kaya nang gawan ng biography at mahabang karakter sketch si Mags, ay hindi mawari kung ano ang nangyayari. Sumunod sa pila ng tagay si Gil. Pagka-staright niya sa alak na laman ng baso ay ipinangako sa sariling hanggang apat na baso lamang siya. Siya ang magdadrive pauwi. Siya ang maghahatid kay Mags. Siya ang pinagkatiwalaan ng mga magulang ni Mags para sa kaligtasan ng kaibigan. Mahirap na. Lumipas pa ang dalawang oras. Tantiya niya ay may alas-diyes na ng gabi. (itutuloy…) Monday, June 07, 2004 Drama Queen: Act 2 Scene 1 :: Sandals, yosi, alak at pag-ibig
“Pucha ano un?!” sigaw ni Magie kay Gilbert nang biglang tumigil ang Honda Civic na sakay nila. Nasa tabi ng driver’s seat si Mags, at si Gilbert naman ang nagmamaneho nang biglang namatay ang makina, at sa kamalasan ay tumama pa sa isang may kalakihang bato sa gilid ng daan. Nasubsob ang dalaga sa kinauupuan. Bata pa sila ni Gil nang magkakilala. Pareho pang may mga uhog at naka panty at briefs lang kung makipaglaro. Tantiya niya ay mga apat taon siya noon at si Gilbert ay anim. Ni hindi na nga niya maala kung paano sila eksaktong nagkakilala, ngunit sigurado siyang naglalaro na sila bago pa siya pumunta sa Maynila. Naaalala rin niyang sabay nilang iniyakan ni Gil, ang mga pang-musmos na kalungkutan ng paghihiwalay. Mabuti na lamang at lingguhan pa rin ang uwi nila, kaya naman nagging malapit pa rin sila. Halos 11 years na pala silang magkabarkada. “Naku Mags, natuyuan tayo ng gas,” may himig pagbibiro pang tugon ni Gil. “Hindi kaya nakakatawa,” sabay irap pa ni Mags. “Hindi nga, wala na talagang gas. Walang ibang choice kung hindi…” sinadya ni Gil na ibitin ang sasabihin, tumingin ng makahulugan sa mga paa ni Mags, at saka ngumisi nang nakakaloko. “Naku, kung hindi ako pagtutulakin ay paglalakarin ako ng loko,” bulong ni Mags sa sarili. Ibinaba niya ang salamin sa bintana niya at sinubukang tanawin ang bahay ng pinsang si Ate Roa mula sa kinauupuan at ng asawa nitong si Kuya Ike. Fiesta kasi sa baranggay na tinitirhan ng mga ito, at inimbitahan siyang maki salu-salo. Aba siyempre ay kailangang kasama ang buddy niyang si Gilbert, ang all-around friend, driver at kung minsan ay yaya niya. Sa kamalas-malasan naman ay nasa pinakadulo ng baryo ang bahay ng pinsan, sa tabi ng malaking palaisdaan na pag-aari rin ng mga ito. Hindi pa nga umabot ang kuryente roon. Mabuti na lamang at may generator ang pinsan na lingguhang pinapa-charge sa bayan. Malayu-layo pa; sa tantiya niya ay may halos 500 meters pa ang kanilang dapat lakarin kung nais nilang bumalik. “Hoy Gil hindi ako maglalakad ha, at lalong hindi ako magtutulak.” Tumalikod na ang dalaga at kinapa ang bag para sa kanyang cellphone. Pagkapunta sa Write Message ay tinext ang ka-MU na si Steve at pinindot ang: “wow. We got stuck in the middle of the road. Take note, liblib. Several hundred meters from my couz’s haws. Shees.” Options. Send message. Message sent. Katahimikan. Ngayong hindi na umuugong ang makina ng kotse ay rinig na rinig na ang malamyos na ingay na ginagawa ng mga kuliglig, ngunit nakakabingi pa rin ang katahimikan. Inilabas ni Mags ang ulo sa bintana at tumingala. Gumuhit sa kaninang aburidong mukha ni Mags ang isang ngiti ng makitang may bahagyang ilaw na iniaalay ang iilang mga bitwing sa madilim na paligid at kalangitan. Naalala niya noong mga bata pa sila ni Gil. Tandang tanda pa niya. Uupo sila sa harap ng gate nila Rence at maghihintay hanggang lumabas ang mga bitwin. Bibilangin nila ang mga iyon sa abot ng kanilang makakaya at titigil kapag nahilo na sa kakabilang. Tatawa. Magkukwentuhan. Magtatawanan. Mga bagay na normal na ginagawa ng mga bata. Lalong napangiti si Mags, at bumalik na sa dating pagkakaupo. Nilingon niya ang kaibigan na naglalaro ngayon ng Game Boy, at saka ibinalik muli ang tingin sa daang hindi gumagalaw. Nakatutuwang isipin na kahit na ngayong mga nagbibinata’t nagdadalaga na sila ay ginagawa pa rin nila iyon. Ang pag-upo sa harap ng gate, ang mga bitwin… “Take a little time baby, see the butterfly’s colors…” pinutol ng boses ng South Border ang pagmumuni-muni ni Mags. Iyon kasi ang message tone niya. Iritang tiningnan ni Mags ang cell phone. One message received. Open. From: Steve. Message: “naku. mahal, cno ba ksma mo ngaun? Call ur parents kaya? I’m so worried… if I cud just be there with u right now… mahal kta.. txtback..” Nakilala niya si Steve sa SM Megamall. Naglilibot sila ng mga kaklase niya noon. Sa Maynila na kasi nag-aaral si Mags, at pauwi-uwi lang siya sa Laguna tuwing weekend at bakasyon. Naaalala niyang limang taon siya nang lumipat sila sa Maynila at duon na siya nagsimulang mag-aral ng nursery, kinder, elementary,at ngayon nga ay high school.Pero sa puso’t isipan ay taga roon na rin siya. Mabalik tayo kay Steve. Conyo nga ito. Kita nman sa pgtetext diba. Nakaupo siya sa may Chowking sa Megamall noon nang biglang dumaan ito at naglitanyang “Miss, I’m sorry to disturb… but cud I please ask a favor?” Lintek, ingglesero pa! “What is it?” tanong naman ni Mags na agad napansing may hitsura ang lalaki. Mukhang high school pa rin, at mukhang may kaya. Inilabas nung nung guy yung cellphone niya. 6600. wow. Naka-off ito. “My phone’s batt drained na kasi. And I need to text someone whom I’m meeting with today. Important lang tlga. I mean, I could just pay para nman ndi masayadong nkaka…” tinaas ni Mags ang isang kamay para putulin ang ano pa mang sasabihin ng binata. “No need for that. Eto o, text ka na,” hirit ni Mags, sabay ngiti nang matamis. Aba, saying din noh. May hitsura e. E kung pangit ba nman pag-aaksayahan niya ng kanyang ngiting kumukuti-kutitap? “thanks!” anang binatang sa tantiya niya ay mga 5’8”-5’9”. Maputi. Clean cut ang buhok. Pagkatapos maisend ang message ay ibinalik kaagad ng “hunk” ang phone niya. “Hindi na magrereply yan. By the way, I’m Steven. Steve nalang,” ang nakangiting pagpapakilala ni Steve, sabay abot ng kamay. “Magie.Call me Mags,” ang tugon naman ni Mags, at inabot ang kamay ng lalake. Pagkatapos magtanungan ng mga background (“San skul mo?” “Anong year ka na?” “Sang banda ka sa Metro Manila?”) ay magalang na nagpasalamat na si Steve at sinabing kailangan na niyang umalis. Pagkaalis ng bagong crush ni Mags ay tinignan niya ang cellphone at nagpunta sa Sent Items. To: *************. Walang laman ang message. Nagkibit-balikat nalng siya at pinagpatuloy ang paghihintay sa mga kaibigan na siyang umorder ng kakainin. Maya-maya pa at may nagtext sa kaniya. From: ************* “Aba, ung no. nung tinxt ni Rhineheart..” Ang message: Hi miss mags. Steve here. I got ur no. na. J U I hope u’r not mad…” Imbis na magalit o mainis ay napangiti at kinilig pa si Mags. Dun na nagsimula ang ibayong communication nila ni Steve. Text. Tawagan. Chat. Text. Tawagan. Chat. At pag may pagkakataon ay nagkikita sa mall. O ayan, tapos na tayo sa background ng pagkakakilala nina Mags at Rhine. Balik tayo sa kasalukuyang nangyayari sa itinadhanang gabing iyon. “Lintek.” For the first time, hindi kinilig si Mags sa text ni Steve. Nabwisit pa nga siya dahil naputol yung mga iniisip niya. Pero hala, kailangang magreply. Options. Reply. “ksama c gilbert. ung knkwento ko saung kababata ko. don’t worry we’ll be fine. I’l txt u when we’re okay na. Thanks,” ang walang kalatuy-latoy na reply nia. Sending message. Message sent. “Mags, anong oras na?” ang tanong ng kanina pa walang kibong si Gil. “7:20. Bakit?” balik na tanong naman ng nagtatakang si Mags. Medyo naninibago siya sa kilos ng kababata ngayon. Tilo tahimik ito, at may himig ng pangamba, ngunit tantiya niya ay pilit itong itinatago ng kaibigan. “Wala naman,” ang sagot ni Gil. “Kailangan lang nating magtulak ng konti pabalik sa bahay ng pinsan mo. May gas pa yatang reserve si Kuya Ike. Hindi na tayo aabot sa Petron e.” “Naku patay na,” sa isip ni Mags, “e kanina pa nananakit ang paa ko ditto sa sapatos ko. Hindi kaya mamaltos ang paa o kaya naman binti ko ditto?!” Tila naman nahulaan ni Gil ang iniisip niya kaya dali-dali nitong hinubad ang suot na leather sandals at inihagis sa paanan ni Mags. “Nahihiya ka pa e. Hehehe. Sige na isuot mo na yan,” tatawa-tawang sabi ni Gil. “naku, wag na. Magpapaa na lang ako. Baka mamaya magsugat pa talampakan mo sa talim ng mga bato sa daan e sisihin mo pa ako,” ang pakipot namang tugon ni Mags. “Tigas talaga ng ulo nito. Dali na. Dali na. Iwan na lang natin tong sasakyan ditto. Total naka-lock naman, tska wala nang dumadaan ditto nang gantiong oras,” ang seryoso nang wika ni Gilbert. Wala nang nagawa si mags kung hindi sumang-ayon, kaya dahan-dahan niyang tinanggal; ang sneakers na Hush Puppies at maingat na inilapag sa sahig ng sasakyan. Isinuot niya ang sandals ng kaibigan, at napansing may kalakihan ito para sa size nia, pero pwede na, kesa naman sa wala. Dinampot ni Gil ang kaha ng Malboro Lights na nakahiga sa dashboard ng sasakyan, at sabay nilang itinulak palabas ang mga pintong malapit sa kanila. Kay Mags, ang kanang. Kay Gilbert, yung kaliwa. Unang tapak pa lamang ni Gil ay naramdaman na niya ang sakit ng pagtapak sa bato. Ngunit, katulad ng lagi niyang sinasabi sa sarili, hindi siya pwdeng magpakita ng kahit na kaunting anyo ng kahinaan, o ng sakit na nararamdaman. Maging mga sugat man ito sa damdamin, o sa katawang araw-araw na nakasabak sa digmaan, ay ito na ang sinanay niyang sundin ng puso’t katawan. Siniguro niya munang ang susi ay nasa bulsa ng pantaloon bago ni-lock ang bawat pinto ng kotse. ***to be continued…. |
||||||||||||||||||||
Layout by Yiling of Anime Skies |